Thursday, August 15, 2013

May Bulutong ka ba?

Nagkaroon ka na ba ng chicken pox? Oo, bulutong.

Akala ko kapag nagkaroon ka na ng bulutong, hindi ka na magkakaroon ulit. Apparently, hindi naman pala ganun ang kaso. Yung virus daw will stay in your system, dormant until merong mag-trigger and then it will act up again and voila-  may shingles ka na!

Habang lutang ako sa LRT kanina (bilang 1.5 hours lang ang tulog ko), naisip ko lang, yung love parang chicken pox din e no? Kala mo wala na, pero andun pa din pala, dormant lang. Pwedeng ma-trigger ulit tapos kapag di naagapan pwedeng mag-iwan ng scar. Malas mo lang, dahil kahit parehas sila ng chicken pox, di pa din tatalab ang chicken pox vaccine sa condition mo. Buti pa nga yung kapag nagka-chicken pox ka pwede kang maligo ng pinagpakuluan ng Cilantro seeds para gumaling. Kapag nag-scar, maghanap ka na ng real life sebo de macho or contractubex para mag-fade.

Mga naiisip mo nga naman kapag wala kang tulog. :) So ikaw, may bulutong ka ba?

No comments:

Post a Comment