Showing posts with label unfinished. Show all posts
Showing posts with label unfinished. Show all posts

Friday, May 4, 2012

Another Unfinished Story


Angela’s send-off is tomorrow night. Did you hear me, Sunny? Tomorrow night’s my last chance to talk to her and ask her to go out on a date. I can hear her say ‘yes’ already. You believe me, don’t you? I’m gonna ask her out and she’ll say ‘yes’. I’m gonna take her here after and then, you’ll finally meet her. We’ll have a few more Budweisers and make out in this old and beaten leather couch. I’ll look into her eyes, brush her hair away from her face, and then...who knows.

But, how do I ask her? I’ve been devising how to approach her ever since the first day she stepped into our windowless office. I remember her wearing a crisp white button down, her tight skirt hugging her cute butt, and her wavy hair framing her elfin features. Every guy craned his neck to blatantly stare at her swinging hips as she walked down the corridors to where her designated seat was. To my surprise, her seat was next to mine. I turned to look at her but had to quickly jerk my head away because I saw her looking. And then, the most amazing thing happened, she tapped me on the shoulder. SHE TAPPED ME. Can you believe it? She tapped me on the shoulder and said hello. I acknowledged her with a curt nod and returned to staring blankly at my computer screen. I pretended I was working intently. My fingers started tapping the keyboard automatically, aimlessly: asfjeopjrklnskhek’wefwlfj. Inside I was dancing but, of course, I can’t let her see that. I didn’t want her to think I was easy.

Since then, I’ve left her dozens of anonymous post-it notes and glass menageries to show her how suave I am.  The post-it notes she threw in the trash but the glass menageries she kept. She especially liked cat menageries. See? She’s my soulmate. She likes the same animals I like. I’m sure that you two will get along well. Hey, stop hissing. We’re still best of friends, man. Don’t be jealous. Stop looking so forlorn. Sunny, you’re not even a female cat so snap out of it. There, good boy.

It’s weird, though, because she never did once ask me if I knew who was giving her the post-it notes or the menageries. She just took them as if she was used to being showered with anonymous love letters and glass animals.  I tried to give her a hint that those came from me. One day, I signed my initials on the note but, like any other day, she crumpled the note without even reading it. 

***
And then I got stumped again on what to write next.

Image from here.

Tuesday, February 14, 2012

Sabado (Part 1)

Nagising siya dahil sa nakakabinging putok ng machine gun mula sa kanyang panaginip. Sa totoong mundo, tila isang sanggol na walang tigil sa pag-iyak ang kanyang alarm clock na nakapwesto sa mesang katabi ng kanyang kama. Buti na lang at panaginip lang ang lahat, kanyang nasabi sa sarili.

Bakit kaya ganoon ang mga panaginip? Kadalasang hindi lohikal. Weird. Maliban sa huling bahagi ay wala na siyang naalala pa sa kanyang panaginip. Kasali pa nga ang kanyang mga alagang pusa doon. Sa panaginip tatlo ang alaga niya, pero sa totoong buhay dalawa lamang. Ang putok ng baril ay galing sa dalawang kapitbahay niya na nagtungo sa tapat ng kanilang bahay. Isang babae at isang lalaki na parehong nakatakip ang mga mukha. Tinawag niyang 'Jenny' ang babae ngunit ang lalaki ay hindi niya kilala. Wala naman talaga silang kapitbahay na Jenny ang pangalan at lalong wala silang kagalit sa kanilang komunidad. Mula sa nakabukas na bintana ay isinuksok ni Jenny ang machine gun upang magpapaputok. Dali dali naman siyang dumapa malapit sa bintana upang saklolohan ang isa sa kanyang mga pusa na nakaupo sa ilalim nito. Sakto nga lang at naitabi niya ang kanyang kaliwang tenga sa baril kaya halos wala siyang marinig matapos nitong pumutok. Sa puntong iyon ay nagising na nga siya.

Kaunting inat at bumangon na rin siya mula sa higaan. Sabi ng wall clock, alas-otso ng umaga pa lamang. Napaaga ang gising niya, kadalasang alas-10 na siya gumigising kapag Sabado. Alam niyang imposibleng bumalik pa siya sa pagtulog, lalo na't malinaw pa sa kanyang isip ang bangungot niya kanina.Wala din naman siyang planong lumabas o gumimik nang ganuon kaaga.

Lumabas siya mula sa kanyang kuwarto at marahang binagtas ang hagdan pababa, patungo sa unang palapag nang bahay. Lumangitngit ang kahoy na hagdan na tila nagrereklamo sa bigat ng kanyang katawan. Luma na talaga ang kanilang bahay; ilang bagyo na din ang sumubok sa tibay ng pundasyon nito. Kung sakaling bumagyo ng malakas o kung, wag naman sanang loobin ng Diyos, lumindol ng mahigit pa sa 6 ang intensity sa Richter scale, posibleng masira na nang tuluyan ang bahay na tinatawag nilang tahanan sa mahigit na 15 taon.  

Natanaw niya si Puti, ang kanilang pusa, tila hinihintay siya sa unang baitang ng hagdanan. Maliksi itong umakyat at nang umabot sa kung saan siya nakatayo ay naglambing na tila hinahalikan ang kanyang talampakan. "Magandang umaga, Puti. Ngayong araw ka na ba manganganak?" malambing din niyang tanong dito. Isang mahinang 'nyaw' ang isinagot ni Puti at lalo pang ikiniskis ang sarili sa kanyang binti. Sabay silang bumaba ng hagdan at dumiretso siya sa kusina kung saan nagtimpla siya ng kape.


Kape. Hindi lalampas ang isang araw na hindi siya umiinom ng kape. Dalawang tasa sa umaga at isa sa merienda. Isa ang kape sa mga ritwal niya sa umaga, Sabado man o hindi. 

(Itutuloy...)